Magpapatupad muli ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Nobyembre 16.

Dakong 6:00 ng umaga ng Martes, pangungunahan ng Pilipinas Shell ang pagbawas ng ₱0.90 sa presyo ng kada litro ng gasolina, ₱0.10 sa presyo naman ng kerosene at wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya tulad ng Seaoil, Caltex, Petron, Cleanfuel, Petro Gazz, at PTT Philippines sa kahalintulad na bawas-presyo.

Idinahilan ng mga oil companies ang pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Nitong Nobyembre 9, huling ini-rollback sa ₱1.00 ang presyo ng gasolina, ₱0.65 sa kerosene at ₱0.60 naman sa diesel.

Bella Gamotea