Kumakalat ngayon sa social media ang balitang hiwalay na sina Kapamilya actress Janine Gutierrez at Kapuso actor Rayver Cruz.

Natunugan at napansin ng mga Marites at Mosang na wala na ang mga larawan ni Janine sa social media account ni Rayver Cruz.

Kamakailan lamang, may sweet message pa si Rayver para sa kaarawan ni Janine, subalit mukhang burado na o tinanggal na ito, bagama't ang mga birthday post naman ni Janine para kay Rayver ay naroon pa rin naman sa kaniyang IG.

"The link you followed may be broken, or the page may have been removed," lumilitaw na pangungusap kapag kini-click ito.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Samantala, sa Instagram account naman ni Janine ay may mga litrato pa naman sila ni Rayver na kuha pa noong mga nakalipas na taon.

Parehong aktibo ang showbiz career ng mag-jowa sa kani-kanilang mga network. Kung tutuusin nga ay tila nagkapalitan lang sila. Si Rayver kasi ang unang lumipat ng Kapuso Network noong 2018. Ngunit nitong 2021 naman, si Janine naman ang lumipat sa Kapamilya Network upang gawin ang teleseryeng 'Marry Me Marry You' katambal si Paulo Avelino, na ngayon ay umeere sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at iba pang social media platforms nito.

Bukod dito, regular host na rin siya ng 'ASAP Natin 'To'.

Ngunit lately ay kapansin-pansin ang pagpapalitan ng tweets nina Paulo at Janine, na maaaring promotional strategy lamang upang hikayatin ang mga manonood, at mapalakas ang kanilang tambalan sa Kapamilya Network.

Si Paulo ay may karelasyon din naman. Ito ay si Jodie Elizabeth Tarasek, isang Filipino-Australian model, na TV host sin sa isang music channel.

Si Rayver naman ay naipareha kay Kapuso actress Glaiza De Castro sa katatapos lamang na afternoon series na 'Nagbabagang Luha'. Abala rin siya sa 'All Out Sundays' at 'The Clash'.

Samantala, wala pa namang kumpirmasyon mula sa dalawa hinggil sa isyung kumakalat na ito sa social media.