Nanumpa na si dating Philippine National Police (PNP) chief, Guillermo Eleazar bilang miyembro ng Partido Reporma nitong Linggo, Nobyembre 14.

Sa isang pulong balitaan, sinabi nito na ihahain niya sa Lunes ang kanyangcertificate of candidacy (COC) sa pagka-senador at papalitan nito si Paolo Capino na nauna nang umatras sa kandidatura sa pagka-senador.

“Today, I accept the challenge to replicate the brand of public service that we have shown in the Philippine National Police in the past six months, I accept the challenge to work for the vision of genuine reform and transformation for the Filipino people, and I accept the challenge to run for senator of the Republic of the Philippines,” banggit ni Eleazar sa idinaos na party activity sa San Fernando, Pampanga kung saan ito ipinakilala bilang senatorial candidate.

Matatandaang kaagad na inilunsad ni Eleazar ang Intensified Cleanliness Policy sa PNP nang umupo ito sa puwesto noong Mayo 7 kung saan tiniyak na agad na malulutas ang magagaan na problema sa kanilang hanay upang madaling maibalik ang tiwala ng publiko sa mga ito.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upan ang biktima!

PNA