Kakandidatona sa pagka-bise presidente si Davao City Mayor Sara-Duterte Carpio sa ilalim ng partidong Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) matapos nitong palitan sa kandidatura ang umatras na si Lyle Fernando Uy, ayon sa pahayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado, Nobyembre 13.

Isinagawa ang nasabing hakbang bago pa sumapit ang Nobyembre 15 na itinakdang deadline ng Comelec para sa mga nagnanais na umatras at magpapalit sa kanilang kandidatura.

Nauna nang ipinaliwanag ni Comelec Education and Information Department Director Elaiza Sabile-David na maaari lamang humalili si Duterte-Carpio sa sinumang kapartido nito na umurong sa kanyang kandidatura para sa kaparehong posisyong hinahangad nito.

“Hindi po problema na ang isang kandidato ay kabilang sa kunyari partido A and then ang gusto niyang i-substitute na kandidato na nag withdraw ay kabilang sa Partido B.Hindi po 'yun hadlang para siya po ay mag substitute ang kailangan lang po magkaroon siya ng nomination from partido B para po ma-substituteniya 'yung kandidatong nag-withdraw doon," paliwanag ng opisyal.

National

Guanzon, binalikan dating pahayag ni Willie hinggil sa politika: ‘Igiling-giling talaga!’

Matatandaang nanumpa ni Duterte-Carpio bilang miyembro ng Lakas-CMD sa harap mismo ng presidente ng partido na si House Majority Leader Martin Romualdez sa Revilla Farm sa Silang, Cavite nitong Nobyembre 11.

Dhel Nazario at Mary Ann Santiago