Sa kabila ng pag-ulan, lumabas ang mga miyembro ng Filipino community sa Melbourne, Australia upang makiisa sa dumaraming bilang ng mga Pilipino sa labas ng bansa na sumusuporta sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo.

Ibinahagi sa Facebook page ng Philippine Times (Australia) ang isang video ng mga tagasuporta ni Robredo na nakasuot ng pink habang may hawak na mga pink na lobo, poster, placard at mga watawat ng Pilipinas at Australia.

Sila ay nagpahayag ng suporta sa Bise Presidente habang umuulan sa harap ng Melbourne Museum.

“Ang tao, ang bayan ay para kay Leni,” sigaw nila nang sabay-sabay sa isang 25-second na video.

National

3 weather systems, patuloy na nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Sa unang bahagi ng buwan, nagpahayag ng pasasalamat ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa suporta na nakukuha para sa kanyang presidential bid.

Nagpahayag din ang tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez habang patuloy na lumalawak at nakiisa sa pink “revolution” ang mga Pilipino sa ibang bansa.

Naiulat na ang pink motorcade at caravan sa kanyang pangalan sa maraming bahagi ng mundo, kabilang sa Hong Kong, Austria, New York, at California, bukod sa iba pa.

“We are grateful and inspired by the outpouring of support for VP Leni’s candidacy from Filipinos from all walks of life, both in the Philippines and overseas,”ani Gutierrez.

“Nanawagan si VP Leni ng people’s campaign, at ito ang nakikita natin ngayon. Nandito ang ating lakas. Nandito ang ating tagumpay,” dagdag niya.

Nauna na ring nagpahayag ng pasasalamat si Robredo sa kanyang “kakampinks” abroad.

Tinawag na kakampink ang kanyang tagasuporta, isang word play sa mga salitang “kakampi” na isang salitang Filipino na nangangahulugang kaalyado, at “pink” ang kulay ng kampanya ng Bise Presidente.

Argyll Cyrus Geducos