Ang pagpapatupad ng alert level system sa buong bansa ay nakikitang isang mabisang paraan upang mapigilan ang hawaan ng coronavirus disease (COVID-19), sabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III.
Ibinatay niya ang kanyang assessment sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 cases at pag-improve ng daily attack rate at health care utilization rates sa inisyal pagpapatupad ng alert level system.
Habang ipinapatupad ang alert level system sa 10 rehiyon, nabanggit ni Densing na simula Nob. 12, ang patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19, ang improved daily attack rate at health care utilization rate ay sinabayan ng granular lockdowns.
“Nakita nating epektibo (alert level system) at nakumbinsi natin si Pangulong Rodrigo Duterte magshift na to Alert Level System plus granular lockdown instead doon sa lumang community quarantine na pinapatupad natin,” ani Densing sa isang ulat ng GMA News.
Nauna nang inihayag ng Palasyon na ang alert level system ay ipatutupad sa buong bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic simula Nob. 12.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapatupad ng alert level system sa Region 1, 8 at 12 simula Nob. 12; sa Region 2,5 at 9 simula Nob. 17; at sa Cordillera Administrative Region, Regions 4B, 13 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa November 22.
Sa ilalim ng alert level system, ang mga lockdown ay limitado sa mga komunidad kung saan mayroong mataas na antas ng hawaan ng COVID-19.
Inilabas ng Pangulo ang Executive Order 15 matapos irekomenda ng IATF ang nationwide adoption ng alert level system noong Oktubre 28.
Chito Chavez