Tuluyan nang pinakawalan ng San Miguel Beer ang kanilang matinik na point guard na si Alex Cabagnot na kinuha ng Terrafirma Dyip kapalit ni Simon Enciso.

Ito ay nang aprubahan ng trade committee ng PBA nitong Sabado, Nobyembre 13, ang inilatag na one-on-one trade sa pagitan dalawang manlalaro.

Isinagawa ang pagpapalit ng manlalaro ng dalawang koponan sa gitna ng paghahanda ng PBA sa paglulunsad ng kanilang 3x3 league.

Ikalawa na si Cabagnot sa mga miyembro ng tinatawag na "Death 5" na ipinagpalit ng San Miguel ngayong linggo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Una ay si Arwind Santos na ibinigay ng koponan sa North Port Batang Pier, kapalit ni Vic Manuel.

Nalimitahan lamang sa apat na laro si Cabagnot sa nakaraang Philippine Cup dahil na rin sa injury habang si Enciso ay hindi pa nakakapaglaro sa Terrafirma dahil nakuha lamang ito ng koponan sa Blackwater nitong Setyembre.