April 11, 2026

Home FEATURES Trending

ALAMIN: Saan nanggaling ang ‘Goodness gracious’ na viral line sa social media ngayon?

ALAMIN: Saan nanggaling ang ‘Goodness gracious’ na viral line sa social media ngayon?
Photo courtesy: ABS-CBN Star Cinema (YT screenshot)

“Goodness gracious!” 

Mula sa Facebook, Instagram, hanggang sa TikTok, tila kabisado na ng marami ang mga salita at tono sa linyang ito dahil sa mga nagdaang araw, naglipana ang iba’t-ibang pakulo ng netizen at content creators gamit ang script na ito. 

Gamit ang iconic blonde hair, striped cropped top, at pink lipstick ni Unkabogable Star Vice Ganda, tila ang mga ito ang naging tatak ng “Goodness Gracious” trend upang mapanindigan ng netizens at content creators ang kanilang impersonation. 

Dahil dito, saan nga ba nagmula ang trending line na ito? 

Ang mga katagang ito ay nagmula sa pelikula ni Vice na “Girl, Boy, Bakla, Tomboy,” noong 2013, na umiikot sa makulay na istorya ng quadruplet siblings na nagkahiwa-hiwalay pagkapanganak dahil ninakaw ang isang pares sa kanilang magkakapatid. 

Trending

Ano ang Coachella at bakit big deal ito sa music industry?

Ang mga ninakaw sa quadruplet ay masaganang nanirahan sa US, habang ang mga naiwan sa Pilipinas ay naghihikahos sa buhay. 

Ngunit nang nagkaroon ng sakit na hepatitis ang isa sa mga quadruplet na naninirahan sa US, kinailangan nito ng compatible liver donor, kaya agad na kinausap ng kanilang ama ang isa pang pares ng kambal sa Pilipinas na mga posibleng donors. 

Nang magkita-kita ang quadruplet, dito na lumabas ang mga hinanakit ng bawat isa, sa kasagsagan ng pagliligtas sa buhay ng isa sa kanilang kapatid. 

Ang partikular na scene na pinagmulan ng linyang ito ay mula sa unang pagkikita-kita ng magkakapatid sa bahay ng kanilang ina, kung saan, 

Ang kumpletong linya ay nagpapatungkol sa pagkahuli ng isa sa mga kambal na nahuling nag-shoplift sa CCTV ng mall. 

“Goodness gracious! Ikaw ‘yung nag-shoplift. You were the one caught stealing on CCTV. Oh my God! No way! I cannot take this anymore. No way! My twin brother is a criminal!” saad ng isa sa magkakapatid na si “Girly.” 

Bagama’t higit isang dekada na ang nakararaan nang unang maipalabas ang “Girl, Boy, Bakla, Tomboy,” ito ay biglang umusbong sa social media at nagpatawa sa netizens sa kasagsagan ng mainit na panahon. 

Kaya bukod sa netizens at content creators, ilan pa sa mga kilalang sumakay sa trend na ito ay sina ng Maloi Ricalde ng OPM girl group na BINI at Gehlee Dangca ng K-pop girl group na UNIS.