April 12, 2026

Home FEATURES Trending

ALAMIN: Viral dance song na 'Ikembot Mo,' unang narinig sa pelikula ni Vhong Navarro

ALAMIN: Viral dance song na 'Ikembot Mo,' unang narinig sa pelikula ni Vhong Navarro
Photo courtesy: Star Cinema (IG screenshot), StarPop PH (FB)

“Kumembot nang ganito. Gumiling nang ganito…” 

Hindi kumpleto ang tanghalian ng maraming Pinoy kung hindi naririnig at nakikita sa kanilang TV ang tugtog na ito na magiliw isinasayaw ng hosts at madla sa noontime show na “It’s Showtime.” 

Ang kantang ito na “Ikembot Mo” ng dance group na bagong girl group ng It’s Showtime na “Baby Dolls” ay isinasayaw ng hosts sa kanilang “Laro Laro Pick” segment kasabay ang madla, bago pumasok ang contestants na maglalaro at susubok sa kanilang kapalaran. 

Sa araw-araw na pag-indak ng buong show sa “Ikembot Mo,” ang kantang ito ay mabilis na naging dance craze sa social media. 

Dahil dito, sino nga ba ang nasa likod ng hit na ito at kailan ito umusbong?

Trending

Dalawang Pinoy photojournalists, wagi sa 2026 World Press Photo Contest!

Ang “Ikembot Mo” ay parte ng kauna-unahang Extended Play (EP) na “ZoomBaby Dolls” ng girl group na Baby Dolls, na binubuo nina Arianne Dela Cruz, Chole Florendo, Johaira Moris, Juby Sabino, Jelai Ahamil, Eriel Reyes, at Ina Ortega. 

Ang “Ikembot Mo” ay isang kanta na mayroong maindayog na ritmo na isinaayos ni Albert Tamayo kasama ang Starpop label head na si Roque “Rox” Santos bilang supervising producer. 

Katulad ng titulo, ito ay may sayaw na iginigiling ang buong katawan na para bang nasa isang Zumba o aerobic session. 

Dahil ito ang itinuturing na “key track,” ang “Ikembot Mo” ay unang isinayaw sa It’s Showtime noong Marso 27, at mabilis pa itong kumalat sa social media nang sayawin ito ng Baby Dolls kasama ang hosts na sina Darren Espanto at Vhong Navarro. 

Sa nag-viral reel na ito, maraming netizens ang napa-throwback sa “dancer era” ni Vhong dahil mga ganitong beats ang mga sinasayaw at kinakanta nito dati. 

Gayundin ang hit nito sa maraming netizens dahil ito ang novelty beat na anila, ay kanilang kinalakhan at maihahalintulad sa “Otso Otso.” 

Mapapanood din sa isang scene ng pelikula ni Vhong na “Da Possessed” noong 2019 ang naunang pamilyar na rendition ng “Ikembot Mo,” na isinayaw niya kasama ang aktres na si Solenn Heussaff. 

Maririnig at makikita sa parteng ito ng pelikula na ang tila “Indian touch” ng rendition na ito mula sa tono, boses ng singer, at dance steps. 

Samantala, kasama sa EP track ng “Ikembot Mo” ang “Kitang Kita,” “Clap Clap Clap Alright!,” “Oooh Lala Baby,” at “Dulce Tirah Tirah.”

Sa kabilang banda, ang Baby Dolls ay unang ipinakilala sa madla noong Mayo 2023 at sa kasalukuyan, regular silang makikita sa iba’t ibang dance performances at special segments ng It’s Showtime.