April 20, 2026

Home BALITA Metro

Diocese of Kalookan, humingi ng dispensa sa insidente ng umano'y animal abuse

Diocese of Kalookan, humingi ng dispensa sa insidente ng umano'y animal abuse
Photo Courtesy: Diocese of Kalookan, Animal Kingdom Foundation (FB)

Naglabas na ng pahayag ang Diocese of Kalookan kaugnay sa ginawang pang-aabuso umano sa kalapati noong kasagsagan ng seremonya para sa Salubong sa Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Conception sa Malabon.

Matatandaang batay sa kumalat na video, makikitang tila puwersahang ibinuka ang pakpak ng kalapati at itinali sa isang baras.

Ayon sa inilabas ng diyosesis, matagal na umanong tradisyon ng parokya ang paggamit sa buhay na kalapati sa halip na batang nakadamit pang-anghel para sa mas ligtas na alternatibo.

Kaya naman, bilang tugon, nangako ang parokya na ititigil na ang nasabing tradisyon na isinasagawa tuwing Salubong.

"As a community of faith, we are reminded that our expressions of devotion must always be guided by compassion and responsibility,” anang diyosesi.

Metro

Postal ID, puwedeng makuha same day sa pagproseso nito sa SM Manila

Dagdag pa nila, “In caring for God's creation, we honor the Risen Lord who calls us to protect and cherish every form of life.”

Sa huli, pinasalamatan ng Diocese of Kalookan ang mga naghatid ng kabatiran hinggil sa nasabing isyu. Tiniyak din nila na magsasagawa ng naaayong hakbang para hindi na ito maulit pa.