Tumutulong na angCommission on Human Rights (CHR) sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa kaso ng panggagahasa at pagpatay sa isang 15-anyos na babaeng estudyante sa Laurel, Batangas upang makamit ng pamilya nito ang hustisya.
Sa pahayag ng CHR, nakikiramay din sila sa pamilya ng biktima kasabay ng pagkondena sa karumal-dumal na krimen na nangyari nitong Nobyembre 8.
“Children are entitled to our utmost care and protection as one of the vulnerable sectors in our population.At the same time, protecting the rights of the children remains to be a shared, collective goal regardless of position, power, and filiation,” panawagan ni CHR Spokesperson Jacqueline Ann de Guia sa gobyerno.
Sa paunang ulat ng pulisya, nagpaalam lamang ang biktima sa pamilya dahil magtutungo ito sa bahay ng kaklase upang tapusin ang kanilang module nitong nakaraang Lunes.Gayunman, hindi na nakauwi ito kinagabihan kaya agad na hinanap ito hanggang sa matagpuan na lang ang hubad na bangkay nito sa kagubatang bahaging Barangay Sta. Maria.
Sa teorya ng mga awtoridad, posibleng sinakal ang biktima hanggang sa mapatay. Nakita rin sa lugar ang module ng biktima.
Kinabukasan, dinakip ng mga pulis ang isang tanod nang ituro ito ng isang testigo na kasama ng biktima bago maganap ang krimen. Gayunman, itinanggi nito ang pagkakadawit sa kaso.
Jel Santos