Itinaas nitong Huwebes, Nobyembre 11, ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Level 4 ang alert status para sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa Ethiopia dahil sa patuloy na kaguluhan sa naturang bansa.
"Alert Level 4 is raised when there is large-scale internal conflict or full-blown external attack. Under this Alert Level, the Philippine Government undertakes mandatory evacuation procedures," ayon sa DFA.
Kaugnay nito,inaabisuhan ng DFA ang lahat ng Pilipino na huwag bumiyahe sa Ethiopia dahil sa mga kaguluhan sa Tigray at iba pang karatig na rehiyon.
Inabisuhan ang mga Pinoy sa naturang bansa na bawal munang lumabas sa kanilang tinutuluyan kung hindi naman importante at iwasan din ang mga pampublikong lugar at agad na maghanda para sa evacuation o paglilikas.
Para sa mga Pinoy sa Ethiopia na nangangailangan ng assistance, tumawag sa Philippine Embassy sa Cairo, Egypt, sa pamamagitan ng (+202) 252-13062 o sumangguni sa Facebook page nito.
Bella Gamotea