Bumaba pa sa 3% na lamang ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR),

Ito ay pagbaba mula sa 4% na positivity rate na naitala sa rehiyon noong Nobyembre 3.

Ayon kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, isang milestone ito dahil bagama’t ang World Health Organization (WHO) ay gumagamit ng 5% na bench mark, ang inirerekomenda naman ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay 3% positivity rate lamang.

Ipinaliwanag rin ni David na ang mas madaming bilang ng testing na isinasagawa sa bansa ang nakatulong upang mababa ang positivity rate.

National

Espiritu kay VP Sara: ‘Yung tatay mo mamamatay-tao, si Ninoy lumaban para sa karapatang pantao!’

“It is a milestone and it’s actually even better because in the NCR, the positivity rate has dropped to three percent and although the WHO uses five percent as a benchmark, for the CDC, they actually recommend a 3% positivity rate,” ani David, sa panayam sa telebisyon.

“How did we get here? We’re doing more testing now than last year,” dagdag pa niya.

Inamin rin naman ni David na maraming rehiyon o lalawigan ang may mataas pang positivity rate ngunit ito aniya ay yaong mga maliliit na lalawigan lamang.

Sa mga major metro areas naman aniya, gaya ng Cebu City, ang positivity rate ay nasa 2% lamang, na nangangahulugan na sapat ang testing na ginagawa ng mga ito.

“…so that means we are actually testing enough and that is how we are getting the positivity rate down. We are testing enough and the cases are decreasing,” aniya pa.

Una nang iniulat ng Department of Health (DOH) na ang positivity rate sa bansa ay nasa 4.3% na lamang.

Mary Ann Santiago