Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) Commissioner Rey Bulay bilang bagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ang kinumpirma ng Malacañang nitong Huwebes, Nobyembre 11.

“We confirm that President Rodrigo Roa Duterte signed the nomination of Atty. Rey E. Bulay as commissioner of the Commission on Elections (Comelec) for a term expiring on Feb. 2, 2027,” paglalahad ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

“We are confident that Atty. Bulay will ensure the conduct of honest, orderly, credible and peaceful elections,” pahayag pa ni Roque.

Noong Nobyembre 2016, itinalaga rin si Bulay bilang commissioner ng PCGG.

Naging konsehal din ito ng Muntinlupa mula 1988 hanggang 1998 at mula 2007 hanggang 2010.

Si Bulay ay naging presidente rin ng Councilors League of the Philippines.