Isa pa sa mga nagpahayag ng matibay na pagsuporta sa kandidatura ni presidential aspirant at dating senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. o BBM ay ang premyado at batikang aktres na si Elizabeth Oropesa o Jacqueline Elizabeth Freeman sa tunay na buhay.

Makikita mismo sa Facebook account ni 'La Oro' ang kaniyang pagsuporta kay BBM. Direkta rin niyang sinasagot ang mga bashers niya dahil sa pagpapahayag niya ng napipisil na kandidatong pinaniniwalaang dapat suportahan sa paparating na halalan sa 2022.

Noong Nobyembre 7, ibinahagi niya ang isang larawan na nagsasaad na 'I am a BBM Defender @Election2022' at 'BBM is my President'.

Derrick Monasterio, 'di keri magpakita ng 'talong'

May be an image of 2 people and text
Larawan mula sa FB/Elizabeth Oropesa

Nitong Nobyembre 10 naman, sinupalpal niya ang mga bashers na nagsasabing mga 'taga-bundok' at 'iskwater' ang mga tagasuporta ni BBM.

"May nagsabi na kami raw na maka-BBM ay TAGA-BUNDOK at mga ISKWATER. Sige lang. Okay lang, eh ano!!? Magsama- sama kayong mga sosyal! Hehehe."

Larawan mula sa FB/Elizabeth Oropesa

Sa comment section nito, sinabi rin niya na hindi siya laban sa sinumang kandidato, o mga taong may ibang sinusuportahang kandidato.

"Walang kinalaman sa personal ang politika, I'm am not against anyone na may ibang gustong kandidato."

"Dearest Friends, I do not want to lose any of you kahit magkaiba tayo ng kandidato. I will always respect your choice, ako po, I will never provoke. Hindi ko po style. Love you po!," aniya noong Oktubre 30 sa isang Facebook post.

Larawan mula sa FB/Elizabeth Oropesa

Nang umurong naman sa kaniyang kandidatura si Sara Duterte sa pagka-mayor ng Davao City, magpost din siya na ang word of the day ay 'Chill'.

"Basta chill lang muna. Huwag masyadong aligaga. Wait lang nang kaunti. Ilang araw na lang naman," aniya sa comment section.