July 12, 2026

Home BALITA National

'Now you have 2 funerals!' Anak ni Coach Tab, bumuwelta sa panliliit ni Epok Quimpo sa kaniyang ina

'Now you have 2 funerals!' Anak ni Coach Tab, bumuwelta sa panliliit ni Epok Quimpo sa kaniyang ina
Photo courtesy: Giota Kalogirou, File Photo

Direktang bumuwelta ang anak ni Ateneo Blue Eagles Head Coach Tab Baldwin na si Giota Kalogirou sa team manager ng parehong koponan na si Christopher ‘Epok’ Quimpo. 

Kuwento ni Giota, tinawanan lang daw ni Epok ang kaniyang ina at estranged wife ni Coach Tab na si Efthymia “Efi” Baldwin nang magbabala ang huli na mapanganib ang naturang coach. 

Bago nito, nauna nang maglabas ng video statement ni Efi nitong Sabado, Hunyo 13, 2026, at pinuga niya sa publiko na matagal na raw niyang sinabi sa pamunuan ng Ateneo De Manila University na hindi raw ligtas ang mga player na nasa pangangalaga ni Coach Tab. 

“At the time, I repeatedly told the Ateneo University that children are not safe around him, and it was their duty to remove him. I urged them to move him away from the university campus and they proceeded to launch a campaign of intimidation and silencing,” saad ni Efi.

KAUGNAY NA BALITA: 'Players are not safe around him!' Estranged wife ni Coach Tab, matagal nang nagbabala sa Ateneo!

National

PBBM, gabinete tinalakay na ang proposed 2027 nat'l budget

Dahil dito, ni-repost ni Giota ang video statement ng kaniyang ina at direkta pa niyang binanggit si Epok. 

Buwelta ni Giota kay Epok, ay kung naaalala pa raw ba niya ang ginawa niyang pagtawa lamang sa naging babala ng kaniyang ina noon. 

“[Epok Quimpo] remember how you were laughing when we told you Tab was DANGEROUS to kids,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Remember laughing at my mom?” 

Pagpapatuloy ni Giota, may pagkakataon pa raw noon na prinotektahan ni Quimpo si Coach Tab sa pagpapasok sa loob ng kanilang pamantasan nang magmakaawa silang sibakin na ang huli. 

“Remember putting him inside the Ateneo dorms and us begging you to take him out?” 

Patutsada ni Giota, ngayon daw at tuluyan nang may dalawang nasawi sa kanilang koponan dahil sa pambabalewala ni Epok sa kanilang babala noon tungkol kay Coach Tab. 

“Now you have two funerals to explain,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon sina Epok, Coach Tab, at ang Ateneo kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: Coach Tab Baldwin, TM Epok Quimpo sasailalim sa 'leave' sa durasyon ng fact-finding ng Ateneo!