July 23, 2026

Home BALITA National

'Players are not safe around him!' Estranged wife ni Coach Tab, matagal nang nagbabala sa Ateneo!

'Players are not safe around him!' Estranged wife ni Coach Tab, matagal nang nagbabala sa Ateneo!
Photo courtesy: Tudor Clee, ADMU

Naglabas ng video statement ang nagpakilalang estranged wife o dating misis ni Ateneo Blue Eagles men’s basketball team Head Coach Tab Baldwin na si Efthymia “Efi” Baldwin kung saan sinabi niyang hindi raw ligtas ang mga player na nasa kaniyang pangangalaga bilang coach.

Kaugnay ito sa naging trahedya ng pagkalunod ng dalawang miyembro ng Ateneo Blue Eagles na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili sa isinagawa nilang team building sa Dipaculao, Aurora noong hapon ng Lunes, Hunyo 8, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Is it just a team building?' Netizens, umalma sa pagkalunod nina Baterbonia at Adili!

Samantala, matatandaan namang naglabas na ng pahayag ni Coach Tab noong gabi ng Biyernes, Hunyo 12, at humingi siya ng tawad para sa mga pamilyang naiwan nina Baterbonia at Adili. 

“As a coach, we are entrusted with the growth of our basketball players, the development of these young men into future professionals, but mostly, as a coach, I'm entrusted by you, the parents and the families, with first and foremost, their well-being. And in this, I feel I've failed. And I'm sorry. To the depth of my being, I'm sorry,” ani Coach Tab.

National

Atty. Taran ng KWF, panatag sa epekto ng AI data centers sa mga katutubong wika

Sa inupload naman na video ng barrister at tumatayong legal counsel ni Efi na si Tudor Clee sa kaniyang “X” account nitong Sabado, Hunyo 13, mapapanood na sinabi ni Efi na nagpakasal daw sila ni Coach Tab noong 2011 at napilitan siya, kasama ang kaniyang mga anak, noong 2020 na lumayo sa mister para magkaroon ng seguridad. 

Hindi naman sinabi ni Efi ang dahilan kung bakit tila nalalagay sa panganib ang kanilang kaligtasan sa piling ng estranged husband 

Ani Efi, nakita raw niya ang inilabas na pahayag ni Coach Tab kaugnay sa nangyaring insidente ng pagkalunod nina Baterbonia at Adili, ngunit gusto raw niyang linawin na wala na raw kaugnayan si Tab sa kaniya at kanilang mga anak. 

“I wanna make sure that he doesn’t represent me or my kids,” aniya. 

Diin ni Efi, ilang beses na raw niyang sinabihan ang Ateneo De Manila University na hindi ligtas ang mga player sa ilalim ng pamumuno ng kaniyang mister na si Tab at inapela niyang tungkulin ng pamantasan na sibakin daw ang coach sa kaniyang katayuan. 

“At the time, I repeatedly told the Ateneo University that children are not safe around him, and it was their duty to remove him. I urged them to move him away from the university campus and they proceeded to launch a campaign of intimidation and silencing,” saad ni Efi. 

Panghihikayat ni Efi sa mga magulang nina Baterbonia at Adili, maaari daw maiwasan ang mapait na sinapit ng dalawa kung nasibak lang ng pamantasan si Coach Tab. 

“Rovelyn and Elias, the death of your kids were not only predictable but preventable. The bodies of your kids are still warm and he’s talking about moving on, that’s terrible,” ‘ika niya. 

Nagawa ng hikayatin ni Efi ang mga Pilipino at kapulisan na patuloy raw siyasatin ang dahilan kung bakit pinapayagan si Tab na umaligid at tumayo bilang coach sa mga bata sa kabila ng mga paalala niyang mapanganib umano ang kaniyang mister. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon si Coach Tab kaugnay rito.

KAUGNAY NA BALITA: 'I want justice for my son!' Erpat ni Divine Adili, binira ang ADMU