Tila may ibang pagpapakahulugan ang aktor na si Boom Labrusca sa terminong “halfie” para kay Sen. Alan Peter Cayetano.
Tumutukoy ang halfies sa mga indibidwal na dalawa ang lahi o “mixed-race.”
Sa isang Facebook post ni Boom nitong Sabado, Hunyo 13, ibinahagi niya ang screenshot mula sa Facebook Live ni Sen. Alan noong Hunyo 12.
“Half dds , half Independent Half blogger , half Pastor. Gusto ko halfie ka. Gets?!” saad ni Boomsa caption.
Umani tuloy ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Wala ba syang planong i-fire yung stylist nya?"
"Dami nasisilaw sa galing at katinuan ni SP APC. Parang inasinan mga puwet. "
"Huwag kukurap may lalabas sa noo"
"Kung sa LOTR may gandalf Sa senate may grandhalf"
"Buhay nanaman ulit sya"
"Actually SELFIE yan, sarili lang iniisip. Dikit ngayon sa dds yan kase dun sya nakakaisip ng pakinabang. Dami ng na traydor nyan. Erap, Gloria, Pnoy. Lahat yan dinikitan nya hanggang sa hindi na nya kelangan. Typical na Linta."
"First LOL ko of the day grabe sa caption"
"saan kayang planeta galing tong si alien"
Matatandaang naging mainit na usapin kamakailan ang “halfies” dahil sa naging pahayag ng Filipino-American pageant titleholders na sina Brandon Espiritu at Jether Palomo.
Kaugnay na Balita: Brandon Espiritu, tinira; Pinas, walang chance sa nat'l pageants kung walang 'halfies?'
Anila, hindi umano uubra sa national stage ang Pilipinas kung wala ang mga tulad nila, na umani ng kaliwa’t kanang batikos.
Kaugnay na Balita: ‘Halfies’ issue, walang lusot kay Pia Wurtzbach sa Araw ng Kalayaan!