Kasunod ng mga panawagan para sa academic break mula sa mga online class at iba pang academic requirements, nagdeklara ang Saint Louis University (SLU) ng tatlong araw na pahinga ng mga estudyante.

Magsisimula sa Nobyembre 15 hanggang Nobyembre 17 ang student wellness break. Suspendido ang lahat ng mga synchronous at asynchronous activities sa panahong ito.

Ang pag-post ng mga instructional materials and activities sa Google Classroom o Course group ay hindi rin hinihikayat.

“Faculty and students shall take the opportunity to fully detach from school-related activities including meetings, faculty and student consultations, and other co-and extra-curricular undertakings,” sabi ng SLU sa isang advisory.

National

Ex-Pres. Duterte, muling tinawag na ‘bangag’ si PBBM: ‘Maging ul*l si Marcos…’

Hinihikayat ang mga mag-aaral na “magpahinga, magmuni-muni, maglibang at maglaan ng kalidad na oras para sa pamilya at mga kaibigan.”

Ito, matapos ang daan-daang estudyante ng SLU ay nagsagawa ng candle lighting protest noong Oktub. 30 upang umapela para sa isang academic break.

Noong Oktub. 30, nagsumite ang iba’t ibang student council sa Baguio City ng request pa sa isang city-wide academic break kay Mayor Benjamin Magalon, Rep. Mark Go at Sangguniang Kabataan Federation Levy Lloyd Orcales.

Ang SLU ang ika-anim na unibersidad sa Baguio na nagpatupad ng academic break kasunod ng Benguet State University, University of the Cordilleras, University of Baguio, University of the Philippines Baguio, at Pines City College.

Gabriela Baron