Iniulat ng Department of Health (DOH) na umaabot na lamang ngayon sa mahigit 29,000 ang mga aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa case bulletin#606, nakapagtala ang DOH ng 2,646 mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Miyerkules, Nobyembre 10.

Mas mataas ito ng 1,237 kaso kumpara sa 1,409 lamang na kaso na naitala ng DOH kahapon, Nobyembre 9.

Dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 2,809,311 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

National

LPA sa loob ng PAR, nabuo na bilang bagyong 'Igme'; Batanes, itinaas sa Signal No. 1

Sa naturang kabuuang bilang, 1.0% na lamang o 29,138 ang aktibong kaso o may potensyal pang makahawa.

Mayroon ding 4,029 na pasyente ang gumaling na sa karamdaman kaya sa kabuuan, nasa 2,735,508 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.4% ng total cases.

Mayroon pa rin namang 99 pasyente na namatay dulot ng COVID-19.

Sa kabuuan, nasa 44,665 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.59% ng total cases.

Mary Ann Santiago