Matapos ang ilang buwan na iringan, nakipagkita na si Senator Emmanuel "Manny" Pacquiao kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang nitong Martes ng gabi.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque at sinabing nagkaroon ng "maikli ngunit magiliw" pagkikita sina Duterte at Pacquiao.

Paglilinaw ni Roque, isinagawa ang pagpupulong batay na rin sa kahilingan ni Pacquiao.

“We confirm that Senator Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao met President Rodrigo Roa Duterte last night, November 9. It was a short and cordial meeting requested by the camp of the good Senator,” ayon kay Roque.

National

PISTON at Manibela, may transport strike ulit!

Matatandaanginiluklok si Pacquiao bilang pangulo ng ruling party na Partido Demokratiko Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) noong 2020 kaya naging kaalyado ng Pangulo.

Gayunman, noong Hulyo ay nagkaroon ng iringan ang dalawa nang isapubliko ni Pacquiao na mas malala ang korapsyon sa administration ni Duterte.

Dahil sa kanilang hidwaan, bumuo ng bagong pasksyon ang PDP-Laban sa pangunguna niEnergy Secretary Alfonso Cusi.

Dumalo rin sa pagpupulong siSenator Christopher Lawrence Go na kumakandidato sa pagka-bise presidente sa ilalim ng partido ni Cusi.

Si Pacquiao ay tumatakbo sa pagka-pangulo sa May 9, 2022 national elections.

Paglilinaw ni Roque, hindi umano nag-usap ang dalawa tungkol sa pulitika.

“There was no talk of politics but a renewal of friendship.It was a meeting between two national leaders from Mindanao who discussed certain matters related to people’s concern in their area, specifically in the infrastructure and power industry,” sabi pa ni Roque.

PNA