Mukhang 'what you see is what you get' ang peg ni Nadine Lustre na may kinalaman sa kaniyang buhay pag-ibig.

Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin niya kinukumpirma ang real score sa kanila ng French rumored boyfriend na si Christophe Bariou, na madalas na nakikitang lagi niyang kasama sa Siargao at kahit saang lugar pa siya magpunta.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/26/nadine-lustre-at-kaniya-umanong-bagong-boyfriend-spotted-sa-siargao/">https://balita.net.ph/2021/08/26/nadine-lustre-at-kaniya-umanong-bagong-boyfriend-spotted-sa-siargaoa>

Naispatan pa nga silang magka-holding hands sa isang mall, pagkatapos mag-shopping.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kahit walang sabihin, ayon sa mga netizens ay makikita naman na mas malalim pa sa pagkakaibigan ang namamagitan sa kanilang dalawa. Kaya naman, lungkot na lungkot ang mga JaDine fans sa pag-asam na muling magkakabalikan sina James Reid at Nadine Lustre, na naghiwalay na nga, pati na sa tambalan nila.

Nitong Nobyembre 7 ay ibinahagi ng ama ni Nadine na si Ulysses Lustre sa Facebook post nito ang family bonding nila; at naispatan ng mga mapanuring mata ng mga Marites na kasama ang rumored boyfriend ni Nadz. May simpleng caption itong 'Getting fat 101'.

Screengrab mula sa FB/Ulysses Lustre

Nananatili mang tahimik si Nadine kung ano ang papel ni Christophe sa buhay niya, batay sa mga litratong ibinahagi ni Mr. Lustre ay mukhang okay sa kanila ang French businessman na may-ari ng isang resort sa Siargao.

Hindi ito ang unang beses na napabalitang magkakasama sila. Agad umanong binura ni Mr. Lustre ang kaniyang Facebook post noon, na sinasabing kasama nga nila sa isang salusalo si Christophe at pormal na ipinakilala sa kanila ni Nadine.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/16/nadine-lustre-ipinakilala-na-ang-rumored-boyfriend-sa-ama/">https://balita.net.ph/2021/10/16/nadine-lustre-ipinakilala-na-ang-rumored-boyfriend-sa-ama/

Ayon naman sa mga tagahanga at tagasuporta ni Nadine, masaya na sila sa tinatahak ngayon ng buhay pag-ibig ng actress-singer; kung sa palagay nila na magiging masaya ito sa piling ng iba, 'suportahan taka' na lang daw.

Mukhang malabo na rin daw na magkabalikan sila ni James dahil kamakailan lamang ay napabalita naman na tila may ibang kasamang babae ang actor-singer sa isang getaway.

Ito ay ang papausbong na singer-songwriter na si Jolianne Salvado mula sa Cebu City. Ayon sa ulat, kabilang ito sa inilunsad na music label ni James, gayundin ang kaniyang ex na si Nadine.

Kaya komento ng isang netizen, "Pareho silang label. Why is it that they don’t have sweet photos together? Pero kay Jolianne dami! Kainis!!"

Anyway, pareho naman silang tahimik sa isyu ng kani-kanilan mga buhay pag-ibig, kaya abangan na lamang ang mga susunod na mga kabanata.