Kaakibat ng pagsikat at pagiging visible sa mass at social media ay ang pagkakaroon ng mga taong hindi naniniwala sa kakayahan ng naturang celebrity, o mas kilala sa tawag na 'bashers'.

Nitong Nobyembre 3 ng gabi ay nag-livestream umano si Belle para mapasaya ang kaniyang mga tagahanga. Game na game siyang naghandog ng ilang mga awitin gaya ng "12:51," "I Knew You Were Trouble," at "Maybe This Time."

Habang kumakanta siya, may isang basher na nakasingit at sinabihan siyang 'Hindi ka maganda'.

May isa pang basher na nagsabing malaki raw ang ilong niya.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Larawan mula sa IG/Belle Mariano

Ngunit syempre, hindi siya nagpatinag sa naturang basher. Kahit na below the belt na ang komento sa kaniya sa mismong livestream niya, cool pa rin siyang nagpasalamat sa kanila.

"Sa lahat po ng nagsasabi ng negative comments, thank you still for watching my live."

Pero kung may dalawang bashers, mas marami naman ang nagtanggol para kay Belle.

"Wala akong makitang pangit sa batang 'to.. Para sa akin yung ilong niya ang asset niya. Mas lalo siya nagiging attractive at interesting sa tao…"

"Sa mga bashers ni Belle diyan, siguraduhin ninyong mas may igaganda pa kayo sa kaniya ha? Baka naman mas mukha kayong paa?"

"Belle did the 'Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay'. Napakabait na artist kaya pinagpapala at sumisikat na siya."

"Di nakakasawa ang beauty mo Belle. Super pretty bagay na bagay kayo ni Donny. Stay strong to both of you and I hope soon will be in real couple."

Talagang nag-boom ang showbiz career ni Belle nang mapasama siya sa pelikulang 'Four Sisters Before The Wedding' noong 2020.

At ngayon, isa na siya sa mga rising teen star ng Kapamilya Network nang maging katambal niya si Donny Pangilinan sa weekly series na 'He's Into Her'. Kilala sila ngayon sa tambalang 'DonBelle'.