Inihayag ng Bureau of Animal Industry (BAI) na nananatiling ligtas ang bansa sa Avian Influenza o mas kilala sa tawag na Bird Flu na kasalukuyang naitatala sa karatig na bansa kagaya ng China.

Bureau of Animal Industry/FB

Bagama't wala pang naitatalang kaso ng Bird Flu sa bansa ay pinaalalahanan na ang mga may ari ng mga manukan at iba pang mga ibon na ipatupad ang Good Animal Husbandry Practices o GAHP at iba pang biosecurity measures.

'Mauubos lang ang oras ko:' Leila De Lima, iisnabin na lang mga basher

Hinihimok rin ang mga poultry owners na pabakunahan ang mga alagang ibon laban sa mga peste ng mga manok.

Pinaalalahan rin ang mga ito na agad na makipag-ugnayan sa ahensya kung nakapagtala ng hindi pangkaraniwang pagkamatay o pagkakasakit ng mga ibon.

Beth Camia