Game na nagbigay ng reaksyon si Queen of All Media Kris Aquino sa komento ng isang netizen hinggil sa napipintong 'grandest wedding entrance' ni Krissy sa posibleng nalalapit na kasalan nila ng fiance na si dating Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Mel Sarmiento, na wala pang malinaw na petsa o detalye.

“I super love ms kris but now kris (heart emoji) mel na god bless you both anticipating your grandest wedding entrance ms kris excited much," komento ng isang netizen sa kaniyang latest Instagram post.

Reaksyon ni Kristeta, "I don’t mean to be a spoiler nor disappoint you, but our wedding is going to be TINY and super private."

Hindi raw aasahan ng mga tagahanga at tagasubaybay niya ang kasal nila ng jowa niya. Gayunpaman, nasasabik pa rin ang mga Maritess dahil kahit simple lang ito, for sure daw ay lulutang pa rin ang kinang at kagandahan ng nag-iisang Queen of All Media. Baka nga raw ito pa ang taguriang 'Wedding of the Century.'

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang pagpasok nina Kris at Mel sa isang sikat na fast-food chain sa Silang, Cavite kung saan dumalo sila sa isang kasalan. Ginutom sila kaya nag-stop over sila para kumain---nang nakasuot ng formal attire.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/08/kris-aquino-at-mel-sarmiento-kumain-sa-fast-food-nang-naka-formal-attire/

"It was more than 3 hrs to get back kaya nag-stop sa fast food and it’s been YEARS since I’ve entered that particular brand and after the pandemic, naaliw sa akin everyone with me especially Mel, because I said ang sarap maging normal, regular person," ayon sa caption ni Kris.