NAGUILIAN, Isabela -- Narekober ng pulisya ang bangkay ng isang Administrative Officer ng Department of Education (DepEd) sa Cagayan River sa Bgy. Magsaysay, Naguilian, Isabela nitong Linggo.

Base sa ulat ng Police Regional Office 1 ang naturang bangkay ay si Rolando Yap Jr., 26, kasal, at residente ng Sta. Filomena, San Mariano, Isabela. Kinumpirma ito ng kanyang kapatid na si Princess Angelica Yap

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Ayon sa kanyang mga kamag-anak, noong Nobyembre 5, 2021, umalis sa bahay si Yap dahil sa hindi pagkakaintindihan sa pamilya at hindi na ito nakabalik.

Noong Linggo, Nobyembre 7, iniulat ng pulisya na nakasuot ng itim na damit at maroon na maong pants ang bangkay na lalaki nang matagpuan ito sa Cagayan River dakong 4:30 ng hapon.

Ang narekober na bangkay ni Yap ay itinurn-over sa kanyang pamilya  at dinala sa tirahan nito sa San Mariano, Isabela. 

Hindi pa matukoy ng pulisya kung totoong tumalon sa tulay si Yap na naging sanhi ng kanyang kamatayan matapos ito malunod.

Liezle Basa Inigo