Tuluy-tuloy ang magandang itinatakbo ng collegiate career dating University of the East high school ace fencer na si Samantha Catantan sa Estados Unidos.
Nito lamang nakalipas na Linggo (Manila time) ay nanalo ng gold medal si Catantan sa women's foil sa Penn State's Garret Open.
Nasa kanyang sophomore year sa Penn State sa kasalukuyan, nagtala ng 6-game sweep si Catantan sa first round ng pool play kung saan tinapos niya lahat ng nakatunggali sa pamamagitan ng 5 touches bago nakatikim ng isang talo sa sumunod na anim niyang laban sa second round.Nakabawi naman ito pagdating sa knockout rounds hanggang sa makaabot ng finals kung saan iginupo niya si Delphine De Vore ng Columbia para sa gold medal.
Sa ngayon ay pinaghahandaan ng Penn State at ni Catantan ang darating na US NCAA season na magtatapos sa pamamagitan ng NC Fencing Championship sa Marso 2022.
Noong nakaraang taon(2020) sa unang taon niya sa Penn State, si Catantan ang nahirang na MVP ng team at nagwagi rin sya ng bronze medal sa NC Fencing Championships.
Marivic Awitan