Magtatalaga ng bagong kalihim ng Department of Health (DOH) kung mahalal sa Palasyo ang presidential aspirant na si Vice President Leni Robredo habang binigyang-diin ang pangangailangan para sa isang “competent” at “accountable" na mamumuno sa ahensya.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong binatikos ni Bise Presidente si Health Secretary Francisco Duque III, bagama’t hindi direkta, matapos na iwasan noon ang tanong kung dapat na bang palitan ni Pangulong Duterte ang ilang beses nang nasangkot sa mga isyung DOH chief.

“Magtatalaga tayo ng mahusay na Secretary of Health. Pipili tayo ng may pananagutan, kayang pasunurin ang buong burukrasya, nauunawaan ang mga proseso, may kaalamang teknikal at may malasakit sa taumbayan,” ani Robredo s aisang media briefing nitong Lunes, Nob. 8 sa Quezon City Reception House.

Kasama ni Robredo sa press conference ang kanyang running mate na si Senator Kiko Pangilinan at dating mga kalihim ng DOH na sina Manuel Dayrit at Esperanza Cabral.

National

#WalangPasok: Listahan ng class suspensions sa Sept. 16, 2024

Sa kanyang 10-point “Kalayaan sa COVID-19 (Freedom from COVID-19)," kabilang sa plataporma ni Robredo ang paghahanap ng bagong hepe ng DOH.

Sabi ni Cabral, na naging Health secretary mula Enero hanggang Hunyo 2010 sa ilalim ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na nakaisip sila ng mga “katangian” na dapat hanapin ng pangulo sa isang bagong Kalihim ng DOH.

“Commitment sa kanyang ginagawa na para sa tao at hindi para sa kanya. Competence kailangan naman and ating bagong DOH secretary ay nakakaintindi ng mga problema. Compassion and all other attributes of a good human being such as integrity, honesty, love for country, and so forth,” paglalatag ni Robredo.

Regular na kumukunsulta si Robredo kina Dayrit at Cabral mula noong Pebrero nakaraang taon nang magsimulang maiulat ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Idinagdag niya na hindi lamang mga dating kalihim ng DOH ang kanyang kinokonsulta. Ang ibang mga grupo mula sa sektor ng edukasyon, paggawa, at maralitang lungsod ay sumali sa kanyang mga hakbang upang makabuo ng isang COVID-19 plan.

“Itong COVID plan hindi ito galing sa akin, but galing ito sa consultation with all different sectors,” sabi ng aspiring president.

Natutuwa naman pareho ang dalawang dating kalihim sa pakikipagtulungan nila kay Robredo upang makabuo ng “good health agenda”. Naniniwala rin si Dayrit na ang kalidad ng pamumuno ni Robredo ay kayang isakatuparan ang health agenda.

“Tinitingnan nya lahat ng detalye. Ang situation ngayon, madami tao sa taas ‘di nila naiintindihan ang mga detalye and importante ‘yun lalo na sa Secretary of Health. Kailangan alam paano kumilos ang tao mo. Talagang mabigat ang trabaho ng isang leader. For me, nag-uumpisa sa taas,” paliwanag ni Dayrit.

“Although sang-ayon din ako sa sinabi ni Secretary Cabral that we give our advice maski sino ako personally, I will support VP,” dagdag ni Dayrit.

Nilinaw naman ni Robredo na kapag humihingi ng payo sa mga eksperto, hindi mahalaga ang kulay ng pulitika basta’t may “expertise” sila sa pagtugon ng problema.

“Pag expert ka sa field at palagay namin we will benefit from your expertise, tatanuning namin kahit wala commitment or may iba na tinutulungan,” sabi ni Robredo.

Raymund Antonio