Puspusan na ngayon ang isinasagawang pag-uusap ng gobyerno kung paano maipatutupad ang sapilitang pagbabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 (NTF) spokesperson Restituto Padilla Jr., nagkakaroon na ngayon ng diskusyon kung maaaring ituloy ang pagkakaroon ng mandatory vaccination. 

“Ito ang usapin ngayon sa IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases). Although hindi pa ito naisapinal, patuloy pa rin ang mga diskusyon dito dahil may mga legal na kailangang ikonsidera. Pero nandoon na ang direksyon ng ating usapin at namo-monitor sa loob ng IATF,” pahayag pa nito.

Sinabi ni Padilla na ang basehan sa mandatory vaccination ay ang datos kung saan karamihan sa severe at critical COVID-19 case ay mga hindi bakunado. Mahalaga rin aniya sa bansa na makamit ang herd immunity upang agad makabangon ang ekonomiya.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Beth Camia