Pansamantalang natigil ang operasyon ng mga tren ng Light Rail Transit Line 2 (LRT2) nitong Sabado, Nobyembre 6, matapos na magkaroon ng problema sa kanilang signaling system.

Sa isang paabiso, sinabi ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na ang mga serbisyo ng tren sa buong linya ng Recto at Antipolo stations at pabalik ay apektado ng tigil operasyon.

Tiniyak rin naman ng LRTA na kaagad silang gagawa ng aksiyon upang matugunan ang problema.

Humingi rin sila ng paumanhin sa publiko dahil sa nangyari.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“Train services from Recto to Antipolo station and vice versa is temporarily unavailable due to signaling fault,” anunsiyo nito. “Intervention is ongoing. We apologize for the inconvenience.”

Matatandaang noong Miyerkules, Nobyembre 3, una na ring natigil ang operasyon ng LRT-2 dahil sa problema sa signaling system ngunit kaagad din itong naibalik matapos ang ilang oras.

Mary Ann Santiago