Kinakiligan ng mga netizens ang sweet birthday message ni Julia Montes para kay Coco Martin, na makikita sa Instagram post nito.

Inilarawan niya ang bida at isa sa mga direktor ng longest-running teleserye ngayon na 'FPJ's Ang Probinsyano' bilang 'sobrang magmahal'.

"Sa taong sobrang magmahal sa kapwa, kaibigan, pamilya at sa trabaho. Wag mong kakalimutan na biyaya ka sa lahat ng taong natutulungan at nakakasama mo," ayon sa caption ng pagbati ni Julia.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Coco Martin (Larawan mula sa IG/Julia Montes)

"May the joy that you have spread come back to you not only on this day but throughout the rest of your life. Mahal ka namin Happy birthday!"

Nagpaabot naman ng mga pagbati ang mga kasamahan niya at kaibigan sa showbiz.

"Happy birthday boss. Sarap ngiti naman niyan," saad ni Dimples Romana na kaibigan ni Julia.

"Birthday blessings, anak," sabi naman ni Dawn Zulueta na naging nanay niya sa teleseryeng 'Walang Hanggan' kung saan sila nagtambal ni Julia.

"Nak!!!! Happy happy birthday!!!!! Nawa’y tuloy-tuloy ang mga biyaya mo at sa iyong pamilya at maraming salamat sa lahat ng mga biyaya that you share generously sa amin at sa maraming tao. Mahal na mahal kita!!!! Cheers!!!! Kita tayo soon!!!!" wika naman ni Cherie Pie Picache na naging nanay din niya sa mga serye nila sa ABS-CBN.

Matagal nang iniintriga na magkarelasyon sina Coco at Julia subalit hanggang ngayon ay wala pa silang kumpirmasyon tungkol dito, bagama't madalas silang naiispatang magkasama sa mga travels nila.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/02/21/coco-martin-at-julia-montes-madalas-makitang-magkasama-kailan-kaya-aamin/">https://balita.net.ph/2021/02/21/coco-martin-at-julia-montes-madalas-makitang-magkasama-kailan-kaya-aamin/

Lumabas din ang mga espekulasyon na may anak na umano sila, kaya pansamantalang nawala sa limelight si Julia ay dahil umano sa pagbubuntis at panganganak nito. Mariin naman itong itinanggi ni Julia sa kaniyang pagbabalik-Pilipinas at showbiz.

Samantala, nasa FPJ's AP na rin si Julia na inilarawan bilang 'huling pag-ibig' ni Ricardo Dalisay, ang karakter ni Coco sa action-drama series.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/07/31/julia-montes-sa-probinsyano-senyales-na-magtatagal-pa-ang-serye/">https://balita.net.ph/2021/07/31/julia-montes-sa-probinsyano-senyales-na-magtatagal-pa-ang-serye/