Sinuportahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang naging hakbang nina Senator Panfilo Lacson at Vicente Sotto III na bawiin ang kanilang suporta para sa muling pagbuhay ng parusang kamatayan sa bansa.

Tinawag ni CHR Focal Commissioner on Anti-Death Penalty Karen Gomez-Dumpit bilang "panalo para sa kabanalan ng buhay" ang naging hakbang nina Lacson at Sotto.

Magbibigay-daan din ito upang matigil ang nabanggit na parusa na posibleng "tatapos sa buhay ng sinumang walang kasalanan."

“We ask other legislators who have given their support for this counterproductive measure to reconsider their position and urge them to affirm the right to life and dignity of all persons,” paglalahad ni Dumpit.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Paliwanag pa ni Dumpit, naging matatag pa rin ang paninindigan ng CHR laban sa parusang kamatayan at sinabing maling paraan ang sadyang pagkitil sa buhay ng isang tao.

Jel Santos