Hindi na nakaligtas sa mga awtoridad ang dating konsehal sa Laguna na suspek sa pagpatay kayLos Baños City Mayor Caesar Perez noong Disyembre nang maaresto ito sa Baguio City nitong Nobyembre 2.
Si Norvin Tamisin ay dinakma ng mga tauhan ngCriminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Barangay Bakakeng sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Los Baños City Regional Trial Court sa kasong murder.
Inihayag ni CIDG director Maj. Gen. Albert Ignatius Ferro, isang linggong minanmanan ng mga pulis ang pinagtataguan ni Tamisin bago nila ito sinalakay.
Sa rekord ng kaso, si Tamisin ay pangunahing suspek sa pagpatay kay Perez na ilang beses binaril sa municipal hall noong Disyembre 2020.
Nasa kustodiya na ng CIDG Batangas Provincial Field Office si Tamisin.
Aaron Recuenco at Danny Estacio