Nagbigay ng sweet birthday message ang actress-host na si Jessy Mendiola sa biyenan niyang si Star For All Season Vilma Santos, na nagdiwang ng kaarawan nitong Nobyembre 3, 2021.

Sa kaniyang social media posts, bukod sa pagbati sa kaarawan ng kaniyang biyenan, pinasalamatan din niya si 'Momski Vi' sa pagiging mabait nito sa kaniya. Mapalad umano siya na ito ang kaniyang mother-in-law at isang malaking biyaya ang buhay nito para sa kanila ng mister na si Luis Manzano.

Larawan mula sa FB/Jessy Mendiola

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May be an image of 4 people, people sitting, people standing and indoor
Jessy Mendiola, Vilma Santos, at Luis Manzano (Larawan mula sa FB/Jessy Mendiola)

"Happy happy birthday to our one and only Momski Vilma Santos-Recto!! We love you so much! Thank you for always being so kind to us, you always make sure that everyone is comfortable and happy. I’m so lucky to have you as my mom-in-law! You are a blessing to all of us! Stay happy and beautiful, Momski! I love you so so much!"

Sa comment section nito, tatlong malalaking puso ang inilagay ni Luis.