Inaasahang aabot na sa₱261 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na nakatakdang bolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Biyernes ng gabi, Nobyembre 5.

Sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, walang nakahula sa six-digit winning combination na 06-14-28-27-02-18, na binola noong Martes ng gabi, Nobyembre 2.

Dahil dito, wala ring nakapag-uwi ng katumbas nitong jackpot prize na₱253,420,874.40 kaya'tmadaragdagan pa ito ng₱8 milyon sa susunod na bola at aabot na ng mahigit₱261 milyon.

Ang Ultra Lotto 6/58, na bawat tiket ay nagkakahalaga ng ₱20, ay binobola ng PCSO tuwing Martes, Biyernes at Linggo ng gabi.

National

VP Sara Duterte, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga

Mary Ann Santiago