Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang senador na namumuno sa imbestigasyon kaugnay sa umano'y maanomalyang pagbili ng gobyerno ng medical supplies laban sa coronavirus disease 2019.

“‘Wag po kayo magpadala dyan sa mga intriga na ako raw ay abogado. Alam ninyo sa totoo lang, Gordon at Drilon, 'di ako aabot sa presidency, from my mayorship to the presidency kung corrupt ako, kagaya ninyo, kung tumatanggap ako ng mga *******na na mga campaign funds d’yan sa mga tao na alam ninyo na gumagawa ng kalokohan, kasama ‘yung mga miyembro ng Congress,” sabi ng Pangulo.

“Kayo d’yan ang may butas wala kayong makuha sa amin. It’s not in my system about corruption and money. Ibang bagay siguro masabi mo mayroon ako, pero hindi sa pera," paglilinaw nito.

Nanindigan din ang Pangulo na hindi siya sangkot sa kahit anong korapsyon.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

“My personal life, there are some who would like to criticize me and as a public official I have to accept the criticisms. Pero 'yung sinasabi niyong pera, ako ang abogado, lumang tugtugin na ‘yan, alam mo sa totoo lang I would not be President Duterte kung corrupt ako, kagaya ninyo,” saad pa nito.

Sa ngayon, tinututukan na ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa paglipat ng Department of Health (DOH) ng42 bilyong COVID-19 funds sa Department of Budget and Management Procurement Service (PS-DBM).

Beth Camia