Kahit ang mga sikat na artista o singer ay maituturing ding 'fan' ng kapwa nila artist.

Napa-wow na lamang ang sikat na Kapamilya singer na si Darren Espanto matapos mag-like sa kaniyang Instagram post ang South Korean actor na si Wi Ha-joong, dahil sa paggaya niya sa karakter nito sa patok na South Korean series sa Netflix na 'Squid Game'.

Noong Oktubre 31 kasi, nagbihis si Darren bilang si Officer Hwang Jun-Ho, at tinag niya pa mismo si Wi Ha-joong. Marami naman sa mga netizens ang nakapansing bagay na bagay sa kaniya ang peg niya, at magkahawig sila.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Larawan mula sa IG/Darren Espanto

Larawan mula sa IG/Darren Espanto

Larawan mula sa IG/Darren Espanto

Larawan mula sa IG/Darren Espanto

Sa isa pang IG post, dito na sinabi ni Darren na ni-like ng South Korean actor ang kaniyang IG post.

"@wi__wi__wi LIKED THIS POST. AHHHH" pahayag ni Darren.

Larawan mula sa IG/Darren Espanto

Bukod sa Squid Game, una siyang nakilala sa mga pelikula gaya ng 'Gonjiam: Haunted Asylum' at 'Shark: The Beginning and Midnight,' gayundin sa mga television series gaya ng 'Something in the Rain', Romance Is a Bonus Book', '18 Again', at iba pa.