Hinimok ng isang consumers’ group ang awtoridad na bigyang-tuon ang pagsasaayos sa kalidad ng internet sa bansa habang tila hindi naging makabuluhan ang batas na nagpapanitili sa mobile numbers ng isang user kahit na lumipat ito sa iba networks.
Para kay Professor Louie Montemar, convenor ng Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3), maaaring hindi na interesado ang mga tao sa paglipat ng telecom providers dahil may iba na silang options to communicate kaya’t sa halip ay dapat ibuhos ang tuon ng gobyerno sa pagsasaayos sa mga digital infrastructure sa bansa upang tumaas ang kalidad ng internet.
Ang kaniyang obserbasyon ay nagmula sa anunsyo ng Telecommunications Connectivity, Inc.’skung saan nasa 0.001% o 1000 sa higit 100 million subscribers lang ang lumipat ng ibang networks isang buwan matapos maging epektibo ang Mobile Number Portability Act.
“Internet connection has become a right, given the volume of essential activities we now do online,”sabi ni Montemar.
“Instead of focusing on this new law that has come too late to offer substantial relief to mobile subscribers, the government must accelerate the country’s digital transformation and enable the people to be digitally ready,” dagdag niya.
Naniniwala si Montemar na hindi kayang mag-survive o makipagkumpetensya sa post-pandemic world ang Pilipinas nang walang maayos na internet connectivity.
Hinikayat niya ang awtoridad na maging “sharp enough to channel the government’s valuable time, energy and resources.”
John Pedrajas