Humagulhol ng iyak si Mygz Molino, ang close friend ng yumaong si Noemi Tesorero o mas sikat sa pangalang Mahal nang mag-guest ito sa 'The Boobay and Tekla Show (TBATS)' ng GMA-7.

Nagbalik-alaala ang show for remembering Mahal. Ipinalabas ang huling guesting ng komedyante kasama si Mygz. After ipalabas, nag-iiyak na si Mygz lalo na nang tanungin ni Boobay kung ano ang pinakanamimiss nito kay Mahal.

Hindi kaagad nakasagot si Mygz dahil bumigay na talaga ang kanyang emosyon. Tugon niya, "Ang dami-dami, sobrang dami kong namimiss sa kanya eh. Ang hindi mawala sa akin yung mga tawa niya, mga ngiti niya. Yung pagbibigay niya ng kasiyahan sa amin especially sa akin, sa pamilya ko, sa mga tao na sumusuporta sa kanya at saka siyempre yung mga galawan niya, mga halakhak niya yung lambing niya."

Pagbabahagi ni Mygz, halos araw-araw daw ay napapanaginipan niya si Mahal at may nakikita siyang paruparo. Patunay na simbolo na nagpaparamdam ang komedyante sa kanya. Sa kanilang loob ng bahay sa Batangas, minsan lang daw siya naglalagi dahil naaalala niya lang si Mahal sa bawat bahagi ng kanilang tahanan. Kaya kadalasan, nasa likod-bahay lang siya tumatambay.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/20/mygz-molino-emosyunal-sa-pagkamatay-ni-mahal-nag-start-po-siya-sa-ubo/

Bagama't wala na ang partner ni Mygz sa pagba-vlog, aniya ay itutuloy pa rin daw niya kung anong sinimulan nila ni Mahal. Dahil yung plano nilang makatulong sa kapwa, lalo na yung mga nangangailangan, ang napagkasunduan nila ni Mahal kagaya na lang daw sa naumpisahan nila kay Mura.

Sa mga sumusuporta sa kanila ni Mahal, labis na nagpapasalamat si Mygz, sana raw ay patuloy silang nariyan at huwag daw bibitiw.

Nagbigay naman ng mensahe si Mygz sa pamilya ni Mahal. Sabi niya, "Alam naman po nila yung mga naging samahan po namin ni Mahal. So nagpapasalamat talaga ako dito sa kanila dahil kung hindi rin sa kanila wala yung tipong bonding na mag-go-grow sa aming dalawa ni Mahal kasi kung hindi dahil sa suporta ng pamilya niya hindi kami mag-go-grow."

"Kung ayaw man ng magulang niya o ng pamilya niya hindi naman magtutuloy ito. Pero dahil naging gusto rin ng pamilya niya yung samahan namin. Sobrang nagpapasalamat din ako sa kanilang kabaitan dahil hanggang sa nawala na si Mahal, nariyan din sila, nagbibigay din ng advice sa akin na maging matatag ako maging malakas ako."

Paniniguro ni Mygz na pamilya ang turing niya sa pamilya ni Mahal kaya naman ganoon din ang ipapakita niya sa kanila.

Sobrang pagpapasalamat din ang binitiwang salita ni Mygz kay Mahal habang umiiyak ito.

"Alam ko masaya ka ngayon nakasama mo na ang Papa mo. Alam ko masaya ka ngayon dahil nakikita mo na unti-unti tayong makakabangon. Mahal na mahal kita Mahal. Hanggang sa muling pagkikita," pagtatapos ni Mygz.