DAVAO CITY—Maaari nang magpabakuna laban sa COVID-19 ang mga batang edad 12 hanggang 17 taong-gulang sa Davao Oriental simula Martes, Nobyembre 2.
Ayon sa Provincial Health Office (PHO) ng Davao Oriental, “the vaccination sites for those children with comorbidities will be at the hospitals in their Local Government Units while those children who are healthy and with no comorbidity can directly go to the designated vaccination sites in their respective areas like their Rural Health Centers.”
Nitong Biyernes, Oktubre 29, nagsimula nang magbakuna sa Southern Philippines Medical Center ang rehiyon ng Davao para sa mga Pediatric A3 o mga batang 12-17 taong-gulang na may comorbidities.
Target ng Davao region na mabakunahan ang nasa 620,000 batang edad 12-17 taong gulang, ayon kay Department of Health (DOH) Davao Regional Director Annabelle Yumang.
“Here in Region 11, we expect to vaccinate 620,216 children. As of now, we are prioritizing young people with comorbidities,” ani Yumang sa isang talumpati nitong Biyernes.
Umaasa silang maabot ang target sa darating na Disyembre.
Pinaalalahan naman ng PHO ang publiko na dapat kasama pa rin ng magulang o guardian, dala ang isang valid ID, ang mga batang tatanggap ng bakuna.
“The pediatric vaccine recipients are also required to bring a valid ID (school IDs),” dagdag nito.
Medical certificate naman mula sa kanilang doktor na naglalahad ng detalye ng kanilang sakit ang kailangan i-presenta ng mga batang may comorbidity.
“A medical certificate must be secured first prior to vaccination at their respective sites,” sabi ng PHO.
Hinikayat naman ni DOH Asst. Sec. Dr. Roy Ferrer ang mga magulang at guardians na pabakunahan ang kanilang anak at sila mismo laban sa COVID-19.
“To vaccinate is to protect, as we pursue to protect our children, we are protecting our loved ones. To our dear parents and guardians, I highly encourage you to get your children and yourselves vaccinated,” sabi ni Ferrer.
Zea Capistrano