Inihayag ng pamahalaang lokal ng Caloocan na bukas ang lahat ng vaccination site para magturok ng COVID-19 vaccine kahit araw ng Undas.

Ayon kay Mayor Oscar Malapitan may mga naka-duty na health workers at mga nurses upang turukan ang mga naka-schedule sa first at second dose sa Lunes o mismong araw ng Todos Los Santos.

Pinayagan din ng lokal na pamahalaan ang walk-in para naman sa mga walang schedule sa edad 18 pataas kung saan target nila na mabakunahan ang lahat ng mga residente sa lungsod para sa inaasam na herd immunity.

“Pinakiusapan natin ang mga health workers na huwag munang mag-day off kasi dapat walang sinasayang na araw para sa mass vaccination sa ating lungsod,” pagtatapos ng alkalde.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Orly L. Barcala