CAMP MELCHOR F. DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela - Napatay ng militar ang dalawang pinaghihinalaang miyembro ng Communist New People's Army (NPA) Terrorists (CNTs) sa naganap na sagupaan San Mariano, Isabela, nitong Oktubre 29.

Ayon kay Philippine Army (PA)-5th Infantry Division (ID) spokesperson, Maj. Jekyll Julian Dulawan, isa sanapatay ay may alyas na "Dave," na umano'y squad leader ngRegional Sentro De Gravidad (RSDG), Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV) sa nasabing bayan habang ang isa pang napatay na may alyas na "Albert" ay kasapi ng kilusan.

Naiulat ng militar, ang insidente ay naganap sa Diwago Complex, Barangay Tappa, nitong Biyernes ng hapon.

Paliwanag ni Dulawan, nagresponde lamang ang mga tauhan nito matapos silang makatanggap ng impormasyon na namataan ang mga rebelde sa lugar.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Papalapit pa lang aniya ang kanyang mga sundalo sa lugar nang paputukan sila ng grupo kaya nagkaroon ng limang minutong engkuwentro na ikinabulagtang dalawa.

Tumakas aniya ang mga kasamahan ng dalawa nang makita silang bumulagta.

Narekober ng militar sa pinangyarihan ng sagupaan ang dalawang M16 Armalite rifles at mga bala nito.

Liezle Basa Iñigo