Walang pagpipigil na nagpahayag ng saloobin si Albie Casiño tungkol sa kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann na dati siyang inakusahang ama ng kanyang anak na si Ellie noong 2011.

“I think it’s been long enough. It’s okay for me to talk about it. I guess she moved on. So I can finally talk about it now. I don’t mind and I guess I’ll be no holds barred if they ask because I’m kind of tired of covering up for her, bro, you know what I mean?” maanghang na pahayag ni Albie sa kamakailan lang na nilabas na artikulo ng Push.

Ito ang reaksyon ni Albie matapos ang isang live session sa kanyang fans habang naka-quarantine sa isang hotel bago ito pumasok sa programang “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.”

Lantaran na rin nitong sinabing ikinasisiya niyang “super fat” ngayon si Andi na kasalukuyang nasa Siargao.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“I’m not going to hold my tongue so you can look good anymore. And my friends just saw her in Siargao and they said she’s super fat so that makes me super happy. I don’t know if that’s bad of me. But it brings me great joy to know she gained a lot of weight now. Yeah, I don’t care. That’s the truth (laughs). Di tayo nagpla-plastikan dito. That’s the way we do it man. Hindi tayo nakikipagplastikan dito. That’s the last thing we’re going to do,” walang pag-aalinlangang pahayag ni Albie.

“It’s funny because after I get out, I want to go to Siargao after but she’s there. It ain’t a thing. I don’t mind. I’m probably going to hit up the beach. I’m definitely going to hit up the beach when I get out. I’m probably going to get like four tattoos when I get out too (laughs),” pagpapatuloy ng 28 taong-gulang na aktor.

Nitong 2011, matatandaang naging usap-usapan noon ang paratang ni Andi kay Albie na siya ang ama ng anak na si Ellie. Ngunit apat na taon ang lumipas, ibinunyag ni Andi na si Jake Ejercito ang ama ng bata.

Nananatili sa isla ng Siargao si Andi kasama ang tatlong anak at ang fiancé nitong si Philmar Alipayo.