Nagwagi ng₱35 milyong jackpotsa MegaLotto 6/45 ang isang taga-Iloilo nitong Miyerkules ng gabi.
Ito ang inihayag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chairman at General Manager Royina Garma at sinabing matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 36-26-04-34-25-33 na may nakalaang premyo na₱35,235,440.60.
Nabili ng mapalad na mananaya ang kanyang lucky ticket sa Barotac Nuevo, Iloilo.
Pinayuhan naman ni Garma ang masuwerteng mananaya magtungo lamang sa PCSO Central Office sa Mandaluyong City at iharap ang dalawang balidong ID at ang winning ticket upang makubra ang kanyang napanalunan.
Mary Ann Santiago