Ipinagpaliban ng House Committee on Justice sa pamumuno ni Leyte Rep. Vicente Veloso III nitong Miyerkules ang deliberasyon sa dalawang panukala na naglalayong pagkalooban ng Filipino citizenship ang dalawang Chinese dahil hindi pa nagsusumite ng position papers ang kinauukulang mga ahensya ng gobyerno.

Sa House Bill (HB) 9565, nais pagkalooban ng Filipino citizenship si Kaipeng Lyu samantalang sa HB 9566, layunin ding bigyan ng Filipino citizenship si Qingtong Lyu.       Inakda ni AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin ang dalawang panukala. 

Sa pagdinig, mahigpit na tinutulan ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang pagkakaloob ng Filipino citizenship sa dalawang Chinese batay sa sumusunod na dahilan: 1) Hindi totoo na dumating sila sa bansa nang mas maaga noong Oktubre 2017; 2) Sila ay naghahawak lang ng tourist at employment visas; at 3) Binabanggit ng naturalization law ng Pilipinas na dapat may 10 taon ang paninirahan o residency.

Nilinaw ni Rodriguez na sa rekord na iniharap ni Bureau of Immigration (BOI) Atty. Charlene Mae Calingasan, lumilitaw na ang dalawang Intsik ay naglalabas-masok sa bansa bilang turista. 

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Dapat aniya at manatili sila nang matagal sa Pilipinas upang malaman nila nang husto ang pamumuhay, kaugalian at kultura ng bansa.

“Right now, I don’t see any indication that they are really rooted in Philippine society and culture. At this time I believe they are not qualified to be given this special bundle of rights to become Filipino citizens,” giiit ni Rodriguez, na naging BI Commissioner noong Estrada administration.  

Bert de Guzman