Inanunsyo ng Taguig City government na umabot sa 464 ang aktibong kaso ng lungsod sa huling datos noong Oktubre 26.

Nakapagtala ang LGU ng 106 na bagong kaso ng COVID-19 noong Oktubre 26, 114 noong Oktubre 25, at 146 noong Oktubre 24.

Umabot sa 50,641 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso, 49,777 ang mga gumaling, at 400 naman ang namatay.

Ayon sa OCTA Research, nakapagtala ang Taguig nitong Oktubre 27 ng 31 na bagong kaso ng COVID-19 base sa datos ng Department of Health (DOH). 

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Jonathan Hicap