Iniulat ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang pulong balitaan nitong Lunes na naitala na nila ang kauna-unahang kaso ng B.1.1.318 variant sa bansa.

Ayon kay Vergeire, ang B.1.1.318 ay isang COVID-19 variant na under monitoring base sa klasipikasyon ng World Health Organization (WHO).

Una aniya itong natukoy sa Mauritius at mayroon itong 14 mutations, kabilang na ang mga nakita sa Delta at Beta variants ng COVID-19.

“This was initially identified or detected in Mauritius. Mayroon silang naging cluster of 120 cases do’n at nung kanilang nag-sequence ay ito po ang lumabas. Itong variant under monitoring na ito,” ayon kay Vergeire.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Sinabi ni Vergeire na ang pasyente ng natukoy na bagong variant sa bansa ay isang 34-anyos na lalaki na taga-Bacolod City, Negros Occidental.

Dumating siya sa bansa noong Marso 5, 2021 at may travel history sa United Arab Emirates (UAE).

Kinunan ng sample ang pasyente noong Marso 10 mula sa laboratory ng Philippine Red Cross (PRC).

Nakarekober naman na aniya ang pasyente noong Marso 21.

Sa kabila nito, pinawi naman ni Vergeire ang pangamba ng publiko sa naturang variant ng COVID-19.

Sa halip aniyang mag-panic, dapat na maging mapagmatyag ang lahat atsumunod sa ipinaiiral na minimum public health standards ng pamahalaan upang makaiwas na dapuan ng virus.

“Let me just reiterate, it’s a variant under monitoring. Lahat po pinag-aaralan sa ngayon. Wala po tayong cause to panic. Kailangan lang po maging vigilant pa rin tayo lahat and follow our minimum public health standards,” ani Vergeire.

Mary Ann Santiago