Nagbigay-pugay ang Palasyo kay Filipino gymnast Carlos Yulo para sa kahanga-hangang double-medal finish sa katatapos lang na 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa bansang Japan.

Carlos Yulo (AFP)

Pinuri ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang atleta matapos maiuwi nito ang gintong parangal sa men’s vault at silver sa parallel bars.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Congratulations! Patunay ito ng galing ng ating atletang Pilipino,” sabi ni Roque.

Naganang world championships sa Kitakyushu City Gymnasium.

Matatandaang matagumpay din ang Pilipinas sa Japan 2020 Summer Olympics kung saan naiuwi ng weightlifting athlete na si Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Olympic gold sa kasaysayan ng Pilipinas.

Apat na medalya ang nasungkit ng bansa, tinaguriang biggest single output sa Olympics.

Ellson Quismorio