Likas na talaga sa mga netizens ang pagiging "Marites" dahil kahit ang matagal nang mga "kwento" at "tsismis" ay naibabalik nilang muli.

Kagaya na lamang ng pag-ungkat ng past ni Miss International 1970 Aurora Pijuan kay Tommy Manotoc at Senador Imee Marcos.

Ang rason kung bakit naungkat umano ang nakaraan dahil sa isang tweet ni Pijuan noong Martes, Oktubre 19, 2021 na nagtatanong kung ano ang ingles ng salitang "sulot."

Tinatanong lamang niya ito dahil nagkukwento siya umano sa kanyang "colleague."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"What's sulot in English?" aniya sa kanyang twitter post.

"To put it in context. I was telling a story in English that I spearheaded a project just to find out this “ colleague” of mine “usurped “ (it as Mila puts it.)" dagdag pa niya.

Nang mabasa ng ilang netizens ang tweet na ito, nagbigay rin sila ng umanong "english term" ng salitang sulot na tila malayo sa totoong kahulugan nito.

Makikita sa mga tweets na nababanggit ang pangalan ni Imee Marcos.

Ayon sa isang artikulo ng The Washington Post noong Enero 2, 1982, dating asawa ni Aurora Pijuan si Tommy Manotoc, na isang kilala ng athletic figure sa bansa. Sinabi umano ni Pijuan na alam niya ang relasyon ng kanyang asawa kay Imee Marcos kaya't pumayag ito na makipagdivorce. Mayroon silang dalawang anak, sina Mavis at TJ.

Umalis sa bansa si Manotoc para makakuha ng divorce. Nakakuha ito ng divorce sa Dominican Republic at bumalik sa Pilipinas.

Matatandaan na hindi legal ang divorce dito sa Pilipinas.

Matapos ang divorce sa unang asawa, sikretong nagpakasal umano sina Imee Marcos at Tommy Manotoc.

Sa isang artikulo ng The New York Times noong Pebrero 10, 1982, ilang araw matapos ang kasal biglang nawala umano si Manotoc sa loob ng 41 na araw.

Pinagsususpetsahan umano ng pamilya ni Manotoc ang mga Marcos sa pagkawala ng amateur golfer at basketball coach dahil tutol nga ang mga ito sa pagpapakasal ng dalawa.

Nang makabalik si Manotoc, humingi ito ng tawad sa radyo at telebisyon dahil sa pag-aakusa ng pamilya niya sa mga Marcos dahil sa kanyang pagkawala.

Hindi rin umano nakilala ni Manotoc ang mga dumakip sa kanya dahil naka blindfold lamang siya simula nang madakip.

Si Senador Maria Imelda Josefa Remedios Marcos, ang anak ng dating dictator na si Ferdinand Marcos, nagkaroon sila ng tatlong anak ni Tommy Manotoc na sina Borgy, Matthew, at Michael.

As of this writing, wala pang pahayag ang senadora tungkol sa isyung ito.

Samantala, kapansin-pansin ang mga nireretweet ng dating beauty queen na si Aurora Pijuan sa kanyang Twitter account.

Nireretweet niya ang mga tweets tungkol sa pagsuporta umano kay Vice President at presidential aspirant Leni Robredo at maging ang mga kasama nito sa senatorial slate.

Kapansin-pansin din ang mga nireretweet niya tungkol sa utang umano ng mga Marcos noon.