Hindi nakalusot sa netizens ang hindi magandang biro ni Pinoy Big Brother (PBB) Kumunity Season 10 housemate Brenda Mage sa co-housemate nitong si Eian Rances.

Ayon sa mga netizens, 'harassment' ang biro ni Brenda kay Eian.

Sa livestreaming platform na Kumu, mapapanuod ang pagtatanong ni Brenda kay Eian kung maaari ba siyang hawakan.

"Paano 'pag nag-inuman tayo ta's paggising mo hawak ko na? Lasing ka," biro ni Brenda kay Eian habang nagku-kwentuhan ang dalawa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinagot naman ni Eian si Brenda na huwag gawin ang ganong kilos dahil hindi ito tama.

"Hawak mo na, anong tuloy o tigil? 'Wag kang gano'n kasi masama 'yon, hindi lang sa akin, kahit kanino, 'wag mong gagawin," mahinahong sagot ni Eian.

Binomba ng masamang reaksyon ang biro ni Brenda.

"Nakapa-bastos naman ni Brenda. Auto-nomi dapat yan kase it's a form of harassment. Napaka-trying hard na magpatawa, ang bastos pa ng mga lumalabas sa bibig," tweet ng isang netizen.

Marami ring netizens ang naniniwala na dapat nang patungan ng auto nomination si Brenda dahil sa ginawa nito.